Ang Abril ay Buwan ng Panitikang Filipino, alinsunod sa bisa ng Proklamasyon Blg. 968, na nilagdaan noong 10 Pebrero 2015. Ang TIEZA ay nakikiisa sa National Commission for Culture and the Arts, Komisyon sa Wikang Filipino, at iba pang katuwang na ahensiya, sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Panitikang Filipino ngayong 2024 na may temang “Ang Panitikan at Kapayapaan” na may layuning magbigay daan sa malayang pagtalakay kung ano ang mga kahalagahan at kontribusyon ng panitikan sa pagpapanatili at pagpapalaganap ng kapayapaan sa bansa at sa mga komunidad. Sa pamamagitan nito, lalong mapagyayaman ang diskurso sa konsepto ng kapayapaan at maipararating sa mamamayang Pilipino ang papel ng panitikan sa lipunan.
Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang https://ncca.gov.ph/2024/03/21/nlm2024/
#NLM2024
#PanitikanAtKapayapaan